Serbisyong ENDOCRINOLOGISTS

Serbisyong ENDOCRINOLOGISTS
Aurora G. Macaballug, MD, FPCP, FPCEDM
__________________
Endocrinology\ ˌen-də-kri-ˈnä-lə-jē\ pangngalan. – Ang pag-aaral ng mga hormones at mga sakit tungkol dito. Endocrinologist\ ˌen-də-kri-ˈnä-lə-jēst\ pangngalan. – Isang doktor na nagsanay sa Endocrinology.
_________________
Philippine College of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PCEDM) – ang opisyal na grupo ng mga Pilipinong endocrinologists, na itinakda ng Philippine Medical Association at Philippine College of Physicians. Isa sa mga layunin ng PCEDM ay ang paggawa ng mga programa na makatutulong sa mga Pilipinong may mga sakit dahil sa kakulangan o pagkasobra ng hormones katulad ng diabetes, bosyo or goiter at iba pang sakit sa thyroid, osteoporosis. Sa taong 2017, ang PCEDM ay nagkaroon ng mga sumusunod na pagdiriwang at mga programa para sa mga pasyente at iba pang mga doktor sa ibat’ ibang panig ng Maynila pati na sa ibang lugar sa Pilipinas:

Diabetes Awareness Week. Taun-taon, ang PCEDM, kasama na ang kanilang mga katuwang sa industriya ng pharmaceutics, ay gumagawa ng pagdiriwang patungkol sa diabetes. Sa taong 2017, ito ay ginawa noong July 15 sa Marikina Sports Complex. Ang naging tema ng programang ito ay “Palarong Pilipino: Pagkilos Laban sa Diabetes”. Ito ay nilahukan ng mga grupo ng mga diabetiko pati na ng kanilang mga kapamilya at mga kaibigan at kanilang mga doktor sa mga institutsyon katulad ng Chinese General Hospital, Makati Medical Center, East Avenue Medical Center, Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center, The Medical City, at UST Hospital. Nagkaroon ng mga cheering, palaro at mga pa-raffle upang itaguyod ang kamalayan tungkol sa diabetes.

Annual National Thyroid Cancer Awareness. Ito ay ginawa noong Sept 23 sa Makati Medical Center. Ito ay nilahukan ng mga pasyenteng nagkaroon ng thyroid cancer. Dito, naibabahagi ng mga pasyente ang kanilang mga karanasan sa pagkakaroon ng thyroid cancer. May mga panayam din na ginawa ang ilang doktor upang maturuan pa ang iba’t ibang tao tungkol sa sakit na ito at kung pano ito ginagamot.

Lay Forum. Ang mga endocrinologists ng PCEDM ay nagpunta sa Quezon noong Hulyo, sa Aklan noong Agosto, at sa Pampanga noong Oktubre upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa ilang mga sakit katulad ng diabetes, goiter, at osteoporosis. Sa bawat okasyon, may nakalaan na isang araw para sa isang lay forum na nilahukan ng ilang tao sa nasabing mga lalawigan. Sa ganitong pagkakataon, ang mga tao ay nakapagtanong sa mga dalubhasang endocrinologists.

Ang ika-apat na Linggo ng January ay nakatalaga para sa selebrasyon ng Goiter Awareness Week*. Para sa 2018, ang theme ng selebrasyon ay “Goiter Sugpuin, Isip Patalinuhin, Iodized Salt Gamitin”. Sa pakikipag-ugayan sa Department of Health, ang PCEDM ay magkakaroon ng Partners Forum na sa Tuguegaro mula Jan 23 – 24. Magkakaroon din ng iba’t ibang activities sa mga endocrine training institutions sa buong Pilipinas katulad ng Chinese General Hospital, Chong Hua Hospital, East Avenue Medical Center, Makati Medical Center, Philippine General Hospital, St. Lukes’ Medical Center (E. Rodriguez and Taguig), Sto Tomas University Hospital (UST Hospital), The Medical City.

Bukod sa mga naisaad, ang PCEDM ay may programa din ng pagpapamahagi ng libreng insulin sa mga pasyenteng walang sapat na pangtustos para sa kanilang mga insulin. Ang “Insulin for Life” ay naglalayong makatulong sa mag diabetiko na maituloy ang kanilang paggamit ng insulin. Ang mga libreng insulin ay galling naman sa sponsorship ng ating mga kaibigan sa industriya ng pharmaceutics. Kung may interesado na makasama sa programang ito ng PCEDM, maaaring sumangguni sa inyong endocrinologist.

Hindi lang dito nagtatapos ang serbisyong publiko ng PCEDM. “You better watch out, you better not cry, I’m telling you why…” Dahil may mga susunod pang mga programa ang aming society upang makapaglingkod sa inyo. Hanggang sa muli!

 

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>