OSTEOPOROSIS: BUTO – BUTO SA LANGIT – “Kung tila paru-paro and THYROID ni Kaka…Ano naman ang PARATHYROID na lumaki hay Tekla?”
Aimee Andag-Silva, MD, FPCp, FPSEM
Sa mga lamang loob na bumubuo ng “endocrine system” ay sikat na ang pancreas o “pale” na apektado sa diabetes, at ang thyroid na apektado sa goiter. Malimit ilarawan ang thyroid na hugis paru-paro sa ibaba ng ating leeg. Alam ba ninyo na may nakadikit sa mga sulok nito sa bandang likod na kakaibang endocrine gland na tinatawag na “PARATHYROID“?
Ang Parathyroid Gland ay naglalabas ng hormone na pinangalanang parathyroid hormone o PTH. Ito ay mahalaga sa pag-kontrol sa antas ng calcium sa ating dugo. Apat na piraso ang bilang nito sa karamihan sa atin, ngunit may ilang tao na lima o anim ang tagIay. Kasing laki ito ng butil ng mais at mahirap itong makita kahit sa gitna ng mga operasyon sa thyroid.
Ano ang kinalaman nito sa ating buto? Ang PTH ay inilalabas ng parathyroid gland kapag bumababa ang antas ng calcium sa ating dugo. Ang PTH ay kumakapit sa buto at tinatanggal ang calcium na naka-deposito dito papunta sa dugo upang mapanatili sa normal
Ang Parathyroid Gland ay naglalabas ng hormone na pinangalanang parathyroid hormone o PTH. Ito ay mahalaga sa pag-kontrol sa antas ng calcium sa ating dugo.
ang serum calcium. Pinapalakas din nito ang pag-likom ng ating bato o kidneys sa calcium mula sa ihi papunta rin sa dugo. Sa bituka ay pinapagana nito ang vitamin D upang mas marami tayong makuhang calcium sa ating kinakain. Mahalaga na mapanatiling normal ang antas ng calcium sa dugo upang maging maayos ang mga proseso sa ating mga kalamnan mula ulo hanggang paa.
Kung ang parathyroid gland ay magkasakit o di kaya’y matanggal sa operasyon dahil mahirap nga itong matunton, ay babagsak ang ating PTH at mawawala ang ating kakayanan na mapanatiling normal ang calcium sa ating dugo. Hindi natin makukuha ang calcium sa ating mga kinakain sa arawaraw dahil hindi ita tatagos sa ating bituka. Hindi rin mababantayan ng ating kidneys ang pagtapon ng calcium sa ating ihi. Sa kakulangan ng pag-likom nito, ay mababawasan ang calcium na maaaring i-deposito sa ating buto. Ang buto ay magiging mahina at marupokmagkakaroon tuloy ng osteoporosis. Kapag sumobrang baba ang calcium sa ating dugo at walang PTH na
Pag masyado nang mataas ang calcium sa dugo ay masama ang epekto nito sa utak, muscles, kidneys, at maging sa puso. Karamihan ng mga pasyente (80%) na may mataas na calcium sa dugo ay waiang nararamdaman, o di kaya’y di masyadong halata ang manipestasyon.
lumalabas sa ating parathyroid ay maari ding mag-kombulsyon, manigas at kisigin ang mga muscles o laman. Delikado ang sobrang pag-baba ng calcium sa katawan.
Kung ang parathyroid gland naman ay tubuan ng bukol o maging masyadong malaki at aktibo sa paglabas ng. PTH (HYPERparathyroidism), ay tataas naman nang sobra ang calcium natin sa dugo. Ito ay tataas dahil kakainin ng PTH ang buto upang mad ala ang calcium papunta sa dugo. Magiging malakas din ang pag-higop sa calcium ng ating mga bato habang sinasala nito ang dugo at ihi. Ang pinaka-malimit tamaan ng hyperparathyroidism ay mga babaeng edad 50 (tulad ni Tekla sa ating pamagat). Pag masyado nang mataas ang calcium sa dugo ay masama ang epekto nito sa utak, muscles, kidneys, at maging sa puso. Karamihan ng mga pasyente (80%) na may mataas na calcium sa dugo ay walang nararamdaman, o di kaya’y di masyadong halata ang manipestasyon. Ang maaring maramdaman lamang ay ang panghihina ng laman/ muscles, sobrang pagod, hirap sa pag-dumi, pagduduwal o pananakit ng sikmura o pagka-lito. Sa kina-Iaunan ay maaring magkaroon ng palpitasyon, madaling pagka-bali ng buto dulot ng pag-nipis nito, o pagkakaroon ng mga bato sa kidneys. Kapag sobrang taas na ng calcium sa dugo ay maari ring magkombulsyon ang pasyente at ito ay isa nang mapanganib na emergency, mabuti na lang at hindi ita karaniwang nangyayari.
Hindi madali ang pagtunton ng sakit ng parathyroid. Maraming pagsusuri ang maaring gawin ng inyong endocrinologist- mga eksaminasyon sa dugo, sa ihi, sa buto, at sa paghahanap sa hugis o laki ng mga ito. At tulad din nang maraming endocrine o hormonal na sakit ay habam-buhay ang pagbabantay sa pasyentenq may sakit dito. Ngayon ay batid na ninyo kung para saan ba talaga ang PARATHYROID.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists