Eba at Adan – Psssst…..TS! Ano ang Turner’s Syndrome?
Mary Jane Gutierrez, MD, FPCp, DPSEM
Ang Turner’s Syndrome (TS) ay lupon ng kondisyon sa kababaihan kung saan ang bahagi ng kanyang “XX sex chromosome genes”, 0 ang tinaguriang “microchip” ng katawan, ay kulang. Isa sa higit 2,000 0 75,000 kababaihan sa Estados Unidos at 150,000 naman sa Europa ay ipinanganak na may Turner’s Syndrome at tinatayang 99% ay hindi umaabot sa sinapupunan ng higit 28 weeks 0 pitong buwan. Wala pang pag-aaral sa ating bansa ng bilang ng mga kababaihan ng may ganitong kondisyon.
Ang mga Katangian
Ang pangunahing katangian ng TS ay nag hindi pagtaas, ang maagang pagkasira ng obaryo o bahay itlog (ovarian failure) na nagdudulot ng kawalan ng regia, palagiang paqkakaroon ng impeksyon ng gitnang bahagi tainga na nagdudulot ng paghina at kawalan ng pandinig at problemang struktural ng puso (coarctation of aorta). Ang kanilang katalinuhan ay normal at maaari pang humigit sa pangkaraniwan. Sa kapanganakan, ang mga sanggol na may TS ay kapasinpansin na may pagmamanas ng mga kamay at binti (Iympedema of extremeties) at sobrang balat sa bahaging leeg.
Sa kanyang paglaki, ang mga sumusunod ang katangiang pisikal ng TS:
• Maliit na panga (micrognathia)
• Mababang talukap at guhit ng mata (Ptosis at Epicanthal folds)
• Mababang kinalalagyan ng taiinga (Low set ears)
• Hugis labi ng isda ang bibig (Fish-like mouth)
• Bilugang hugis ng dibdib (Shield-like chest)
• Maiksing leeg (Short, broad webbedneck)
• Problema sa bato (Polycystic kidney)
• Buhay na nunal (Pigmented nevi)
• Problema sa struktura buto at maiksing ika-apat na daliri sa kamay at paa (Scoliosis, Cubitus valgus, Madelung deformity of wrist, Short 4th metacarpal at metatarsal)
• Lumalaking peklat (Keloid formation)
Ang iba’t ibang sakit na maaring maging bahagi ng TS ay pagbigat ng timbang(obesity), pagkasira ng buto (osteoporosis), alta presyon (hypertension), diabetes, sakit sa bosyo (Hash imoto’s thyroid itis), sakit sa kasuksuhan (rheumatoid arthritis),mga sakit sa bituka (interstitial bowel disease, intestinal telangiectasia), sakit sa baga (chronic lung disease).
Ang pangunahing konsiderasyon ay matugunan at maibsan ang mga pangunahing sintomas na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay at kalusugan. Isa pang mahalagang konsiderasyon ay ang pagkakaroon ng sapat na paglaki at pagkakaroon ng angkop na pisikal na katangian ng pagdadalaga. Kung anong edad pinaka mainam simulan ng “hormone” ay hindi tukoy ng maraming eksperto kung kaya’t ang pangangailangang indibidwal ang isinasaalangalang. Pangalawang usapin para sa TS ay kung kalian ang tamang panahon sa pag-ayos ng problemang structural ng puso. Mayroon din konsiderasyon sa mga mayroon TS sa panahon ng pagbubuntis dahil sa 2% kaakibat na kalamangang mangyari (probability) ang aortic dissection. Kung paano maiiwasan ang lahat ng komplikasyon ay hindi pa tugon ng mga eksperto.
Dahil sa maliit na bilang ng mga kababaihan ng may ganitong uri ng kondisyon, at samut saring katangian,walang pangkalahatang pamamaraan ng paggaamot dito.. Ang ilang “hormone” (FSH, TSH) at mga laboratory tulad ng “karyotype”, “echocardiography”, “ultrasound” ng obaryo at iba pa ay ilan lamang sa mga pangunahing pamamaraan upang ita ay ma-dokumento. Sa pangangalaga ng isang babaeng may TS ay mangangailangan ng tulong buhat sa ibang bahagi ng medesina tulad ng endocrinology, cardiology, nephrology, orthopaedic surgery, rehabilitation medicine at iba pa kung kaya ang maagang pagkilala sa ganitong kondisyon ay mahalaga.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists