Eba at Adan – Andropause

Eba at Adan – Andropause
Mary Jane Gutierrez, MD, FPCp, DPSEM

Ikaw ba ay isang lalaking mahigit sa edad na 50 taon? Napansin mo ba kamakailan ang pagbabago sa iyong pangangatawan tulad ng paglaki ng tiyan 0 di kaya ang pagliit ng kalamnan? Nagbago din ba ang iyong lakas o enerhiya? Kawalan ng interes sa “sex” o pakikipagtalik? Ikaw ba ay bugnutin o iritable sa mga maliliit na bagay? Ito kaya ay parte ng pagtanda o isang medikal na kondisyon na tinatawag na “male andropause”?

Tulad ng kababaihan, ang mga kalalakihan ay nakakaranas ng pagbaba ng “sex hormone” habang tumatanda (sa babae -“estrogen”; sa lalaki “testosterone”). Ang dahan-dahang panghihina ng kakayahan ng “gonads” ng isang tao ang nagiging sanhi ng pagbaba ng “sex hormones” at ito ang nagdudulot ng “hypogonadism”. Ang mga pagbabagong ito ang naghuhudyat ng “menopause” para kay lola Eba at “andropause” para kay 1010 Adan. Sa mga babae, ang “menopause” ay karaniwang nararanasan pagdating sa edad na 45 -55 taon, subalit sa lalaki, walang eksaktong edad ang panimula ng “andropause” pero ang mga pag – aaral ay nagpapakita na ang mga pagbabagong ita ay nagsisimula sa edad na 30 taon. Ang impormasyon ukol sa paggamit ng sigarilyo, pag-inom ng alak, gamot (opiates, steroid, ferrous sulfate, androgen therapy, estrogen, bromocriptine, para sa kombulsyon o anti-epileptics), iba’t ibang sakit (diabetes, kabigatan o obesity, sakit sa thyroid, pangmatagalang sakit sa bato, baga at puso, sakit sa atay tulad ng hepatitis at cirrhosis) ay kabilang din sa mahalagang kaalaman na maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng “hypogonadism”. Liban sa pagbabagong pisikal at sintomas, may iba’t ibang dahilan ang maaari pang magdulot ng “hypogonadism”, kung kaya’t mahalaga ang pagpapagawa ng laboratory na magpapakita ng mga kondisyong ito.

Ang mga sintomas ng “Andropause” ay mga sumusunod:

1. Mababang enerhiya o lakas
2. Pagkabawas ng kaligayahan sa buhay o pagiging malungkutin
3. Pagkabawas ng tangkad
4. Nabawasang pagnanasa sa pakikipagtalik o “sex”
5. Pagkabawas ng pagkatindi ng paninigas ng ari
6. Hirap matulog
7. Bugnutin o mainitin ang ulo
8. Malilimutin
9. Pagliit ng kalamnan, paglaki ng tiyan o pagtaas ng “fat mass” at panghihina ng buto

Ang lupon ng katanungan buhat sa “Morley Screening Questionnaire for Andropause” ay inilathala para sa pagsusuri sa mga taong may “andropause” at ita ay isinalin sa Tagalog (subalit kailangan ng dagdag “validation”) (Palugod et ai, 2006 PJIM).

1. Nabawasan ba ang inyong pagnanasa sa pikikipagtalik o “sex”?
2. Nabawasan ba ang iyong enerhiya?
3. Nabawasan ba ang iyong lakas o tibay/tagal?
4. Nabawasan ba ang iyong tangkad?
5. Napansin mo ba ang pagkabawas ng iyong kaligayahan sa buhay?
6. Ikaw ba ay malungkot o bugnutin?
7. Ang paninigas ng iyong ari ay hindi ganoon katindi?
8. Napansin mo ba ang kamakailang pagbabawas ng iyong kakayahang sumali sa gawaing pangsports?
9. Nakakatulog ka ba pagkatapos kumain ng hapunan?
10. Nakakaranas ka ba kamakailan lamang ng pagbabawas ng iyong kakayahang magtrabaho?

Gamot
Sa mga pagbabagong napansin kaakibat ng pagtanda, ugaliing kumunsulta sa isang Endocrinologist upang magabayan sa mga institusyong gumagawa ng “screening tests” na kailangan. Maraming uri ng formulation ng “Testosterone Replacement Therapy (TRT)” – “patches, gel, pills, intramuscular injections” at ang ilan sa benepisyong nalathala sa paggamit ng mga ito ay ang sumusunod:
1. Paglaki ng pangangatawan at pagbaba ng “fat mass”
2. Pagtaas ng “bone mineral density”
3. Pagtaas ng enerhiya at abilidad ng pagawa ng pisikal na gawain
4. Pagtaas ng libido

Ang paggamit ng TRT ay may kaakibat din na “side effect”, tulad sa mga kontrobersiya sa paggamit ng mga taong may problema sa prostata o “prostate”at puso kung kaya’t mas matagal na pag-aaral ang kailangan dito. Napagalaman din na ita ay nakataas ng paggawa ng pula ng dugo na maaaring maging sanhi ng paglapot nito na maaaring pagmulan ng “blood clots” at maaaring magbunsod ng “heart attack” at “stroke”. Ang TRT ay maaari din makadagdag sa problema ng “sleep apnea” kung kaya’t ito ay kontra sa kondisyong nasaad.

Ang pangkalahatang kalagayan ng katawan ay dapat ipagsaalang-alang. Kung ang TRT ay sinimulan ng duktor, ugaliing makipag-ugnayan sa iyong duktor upang ang mga sintomas at mga laboratory ay patuloy na natutunghayan para ang mga “side effects” ay maiwasan.

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 4 / 5. Vote count: 1

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>