Serbisyong Endocrinologist
Aurora Gatan Macaballug, MD
Endocrinology\ en-d-kri-nä-l-jē\ pangngalan. Ang pag-aaral ng mga hormones at mga sakit ukol dito.
Endocrinologist \ en-d-kri-nä-l-jēst\ pangngalan. Isang doktor na nagsanay sa Endocrinology
Philippine College of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PCEDM) – ang opisyal na grupo ng mga Pilipinong endocrinologists, na itinakda ng Philippine Medical Association at Philippine College of Physicians
Diabetes Awareness Week 2018
Ang taunang Diabetes Awareness Week (DAW) na selebrasyon ng Philippine College of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PCEDM) ay gagawin sa July 15, 2018 sa Quadricentennial Pavilion Court ng University of Santo Tomas sa Sampaloc, Manila. Ito ay gaganapin mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Ito ay lalahukan ng iba’t ibang institusyon kung saan may mga Diabetes Centers o Clubs na naglalayon na ipagbuklod ang mga taong may diabetes, kanilang mga kapamilya, kasama na ang mga taong naging bahagi ng kanilang gamutan tulad ng mga nars at mga doktor.
Ang DAW ay may titulong, “Galaw, Pilipinas” at temang “Diabetes Ilayo: Tumayo, Gumalaw, Sumayaw!” Ang titulo at ang temang ito ay sumesentro sa kahalagahan ng ehersisyo upang maiwasan o makontrol ang diabetes.
Ang selebrasyong ito ay magsisimula sa mga libreng blood sugar screening. Susundan ito ng mga palaro na susukat sa kakayanang pisikal, mental, at sosyal ng mga lalahok. Magkakaroon din ng mga sayawan, takbuhan, at paggawa ng strategies upang magampanan ang iba’t ibang tasks.
Syempre pa, magkakaroon ng mga papremyo sa mga kalahok na magwawagi at sa mga myembro na magpapakitang gilas sa araw na ito.
Isa na namang exciting na araw ang ating magigisnan.
Kaya’t halina’t makilahok!
Magkita-kita tayo!!!
Para sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na Diabetes Centers/Clubs. Ito ay ilan lamang sa mga ospital na mayroong mga diabetes centers. Maaaring magpunta sa pinakamalapit na ospital sa inyong lugar upang malaman kung may diabetes center na malapit sa inyo.
Note: Ang mga sumusunod ay ang mga ospital na mayroong training para sa pag-aaral ng Endocrinology sa ilalim ng programa ng PCEDM.
Chinese General Hospital
CGH Diabetes Club
Ms. Victoria Manlapaz
0921-257-9070
CGH Charity Outpatient Department
Chong Hua Hospital
CHH Diabetes Club
To follow
255-8000 loc. 75148
Ground Floor, New Bldg., Chong Hua Hospital
East Ave. Medical Center
Move that body
Ms. Jovie Galan
0918-942-2916
Section of Endocrinology office
1st floor OPD Bldg.
Makati Medical Center
MMC Diabetes Club
Ms. Ivy Ramallosa
0917-720-9874
1st floor tower 1 Diabetes Care Center
Philippine General Hospital
PGH Diabetes Group
Ms. Angelique Tiglao
554-8400 loc 2230
Medicine Academic Complex,
UP-PGH, Ermita, Manila
St. Luke’s Medical Center-QC SLMC-QC
Diabetes Club
Ms. Marilyn Castro
0998-882-4053
DTEC 12th floor CHBC, SLMC-QC
St. Luke’s Medical Center – Taguig
St. Luke’s Diabetes Support Group
Dr. Leslie Daphne Kawaji
0917-709-9815
Center for Diabetes, Thyroid and Endocrine Disorder
2nd Floor Main Hospital Bldg.
The Medical City
TMC Diabetes Support Group
Ms. Buena Lopez
988 1000 loc 6444
17th Floor, Patient Partnership Dept, The Medical City Ortigas
University of Santo Tomas Hospital
Ugnayan
Ms. Alicia Salustiano
0927-238-1982
St.Thomas Diabetes Center, 2nd Flr, UST Hospital, Espana, Manila
ALAM MO BA…?
Ang Diabetes Awareness Week o DAW ay sinimulan noong 1993 pagkatapos magkaroon ng Proclamation no. 213 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang proklamasyong ito ay nagtalaga sa ika-4 na linggo ng Hulyo bilang opisyal na linggo ng para sa kabatiran ukol sa diabetes.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists