PREPARING FOR DISASTERS – Paghanda sa BAHA
by Elaine Cunanan MD
Bago BUMAHA
– Alamin ang mga babala tungkol sa pagbaha at tiyaking alam ito ng buong pamilya.
– Makinig araw-araw sa ulat ng panahon (weather news update).
– Mag-imbak ng malinis na tubig.
– Maglaan ng pagkaing delata o mga hindi madaling mapanis.
– Magtabi ng flashlight at ekstrang baterya. Ilagay sa lugar na madaling hanapin kahit madilim.
– Isaayos ang mga mahalagang kagamitan upang hindi abutin ng baha.
– Maglaan ng lugar na malilipatan kung kailangang lisanin ang bahay.
Kung may BAHA
– Isara o “turn OFF” ang “main switch” ng kuryente.
– Kung kinakailangang lumikas, isara ang lahat ng pinto at bintana.
– Kumain lamang ng pagkaing niluto nang mabuti. Takpan ang mga tirang pagkain.
– Iwasang lumusong o maligo sa tubig-baha upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito (tulad ng alipunga, galis, leptospirosis), at mga aksidente tulad ng pagkakuryente, paghulog sa imburnal, o pagkalunod.
– Magsuot ng botas kung kinakailangang lumusong sa tubig-baha.
Pagkatapos ng BAHA
– Pagbalik sa tahanan, gumamit ng flashlight pagwalang-ilaw. Iwasan ang paggamit ng gasera o kandila dahil maaaring magdulot ito ng sunog.
– Ipagbigay alam ang mga putol na kawad ng kuryente sa tamang ahensya.
– Huwag buksan ang main switch ng kuryente o gamit na de-kuryente kung ito ay nabasa.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists