OSTEOPOROSIS: BUTO – BUTO SA LANGIT – “Ang BITAMINang D lang Bitamina•• kundi isang “Hormone” pa!”
Aimee Andag-Silva, MD, FPCp, FPSEM
Ang ating mga buto ay patuloy na nagbabago- ang mga ito ay pumapasok sa isang siglo ng pagbubuo at pagkakalansag. Sago tayo umabot sa edad na 30 ay patas lamang ang dalawang proseso na ito. Sa edad na ito maaabot ang tugatog ng kakapalan ng ating mga buto o ang tinatawag na “peak bone mass”. Kinalaunan ay proseso na ng unting-unting paninipis ng buto ang nagaganap at maaari itong mauwi sa osteopenia o osteoporosis, lalong-Ialo na sa mga kababaihan paqkatapos ng menopause. Ang wastong pag-kain ng calcium at bitamina D ay makakatulong sa pagiwas sa osteoporosis.
Ano nga ba ang bitamina D at ana ang naitutulong nito sa ating kalusugan? Ito ay isang uri ng bitamina na nakaimbak sa ating mga taba sa katawan (fat-soluble vitamin). Tinagurian din itong isang uri ng hormone o signal na nagsasa-ayos sa pag-imbak ng calcium sa ating mga buto. Kung tayo ay kulang sa bitamina D ay hindi tatagos sa ating bituka ang calcium na nagmumula sa mga pagkaing ating kinakain. Kaya’t
Ang bitamina D ay isang uri ng bitamina na nakaimbak sa ating mga taba sa katawan (fat-soluble vitamin).
hindi sapat na calcium lamang ang ating dapat hanapin sa ating mga pagkain, kundi ang bitamina D rin na siyang nagpapatagos nito sa ating bituka.
Saan ba nakukuha ang bitamina D? Ang ating balat ang pinagmumulan ng pag-gawa ng bitamina D sa pamamagitan ng aksyon ng sinag ng araw (ultraviolet rays). Kakaunti lamang na pagkain ang maaaring pagkunan ng bitamina D, tulad ng ilang isda- salmon o mackerel, ang pula ng itlog (egg yolks), atay, at ilang health supplements. Sa ibang bansa ay hinahaluan na ng bitamina D ang mga gatas at cereals upang maging karagdagang mapagkukunan nito.
Sinu-sino ang maaring magkaroon ng kakulangan ng bitamina D? Ang mga taong maiitim ang balat ay hindi madaling tagusan ng ultraviolet rays na kailangan upang makagawa ang balat ng bitamina D. Ang mga taong may edad 50 pataas ay nagiging mahina na ang kakayahan na makagawa ng bitaminang ita kahit na sila ay magbabad pa sa araw, at nagiging mahina rin ang aksyon nito sa kanilang
Ang ating balat ang pinagmumulan ng pag-gawa ng bitamina D sa pamamagitan ng aksyon ng sinag ng araw (ultraviolet rays). Kakaunti lamang napagkain ang maaaring pagkunan ng bitamina D, tulad ng ilang isda- salmon 0 mackerel, ang pula ng itlog (egg yolks), atay, at ilang health supplements.
bituka. Ang mga taong may sakit sa bituka o kaya’y umiinom ng mga gamot na humaharang sa pagpasok ng mga fat-soluble vitamins, tulad ng pampapayat na gamot na orlistat, ay maari ring magkulang sa bitamina D. Dahil sa na-iimbak sa taba ang bitamina D ay maari ring hindi maging aktibo ang epekto nito sa bituka kung ang katawan ng tao ay sobra naman sa taba- kung saan tila nakukulong ang bitamina. Ang mga tao ba sa Pilipinas na buong taong nasisinagan ng araw ay maari ring maging kulang sa bitamina D? Posible pa rin itong mangyari lalo na kung hindi lumalagpas sa 15 minutos kada araw ang pamamalagi natin sa ilalim ng sinag ng ultraviolet rays, o di kaya’y gumagamit tayo ng sunblock na humaharang sa pagtagos ng mga ita sa ating balat.
Gaano kadami dapat na bitamina D ang ating kailangan upang mapanatili ang kalusugan ng buto? Ang rekomendasyon para sa mga may edad 50 pataas ay 800 – 1,000 units kada araw; at para sa mas nakababata ay 400 – 800 units naman.
Ano ang masamang epekto ng kakulangan ng bitamina D? Mga sakit sa pagkakabuo ng buto ang nakikita sa mga bata na kulang sa bitamina D, tulad ng sakit na rickets. Sa mga matatanda naman, ang osteoporosis ay nagiging sanhi ng pagka-bali ng buto. Nasaliksik rin na ang panghihina ng mga laman na maaring mag-dulot ng pagkaka-dapa o pagkakalugmok ay maaring sanhi ng kakulangan sa bitamina D.
Sa kaalamang ita ay maging masigasig tayo sa pag-aalaga ng ating mga buto. Walang bayad ang sinag ng araw at mapalad tayo na buong taon tayong nasisinagan nito sa Pilipinas … ipagpaliban na muna ang pagpapaputi ng balat na payak na kayumanggi.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists