“My Pinggang Pinoy Video Contest” Mechanics
- Ang video contest na ito ay bukas sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas.
- Ang bawat kasali ay gagawa at kukunan gamit ang camera (vlog), ang kanyang sariling bersyon ng “Pinggang Pinoy.
- “Pinggang Pinoy” ay isang mabilis at madaling patnubay upang malaman kung gaano kadaming pagkain ang dapat kainin upang maging malusog. Ayon sa FNRI, ang isang healthy meal ay dapat mayroong 33% rice, 33% gulay, 17% karne, at 17% prutas.
- Isang video entry lamang sa bawat isang kasali.
- Para makasali, ang video entry ay DAPAT i-post sa Facebook account ng kasali at i-tag ang @filipinoendocrinologists (PCEDM Facebook page). Ang post ay dapat nakikita ng public.
- Ang video post ay dapat naglalaman ng sumusunod:
- Video ng kasali AT ang kanyang (vlog) bersyon ng “Pinggang Pinoy”; ang vlog ay HINDI dapat lumagpas ng tatlumpung (30) segundo
- Official hashtags – #Diabetesawareness2022, #PCEDM, #PinggangPinoy
- I-tag ang @filipinoendocrinologists (official PCEDM Facebook page)
- Ang mga kasali ay hinihikayat na maging malikhain. Ang paggamit ng props, costumes, photo/video effects, atbp. ay pinapayagan. Iwasan ang pagpapakita o pagsusulong ng mga produkto at brandnames.
- Ang video entry ay DAPAT mp4 format at i-email sa iamendoc@gmail.com at ibigay ang mga sumusunod na detalye: buong pangalan ng kasali; cellphone number; kumpletong address; email address; at ang link sa Facebook post ng iyong photo entry.
- Ang pagpost ng video entries ay magsisimula ng 12:01am ng July 4 hanggang 11:59pm ng July 25, 2022 lamang.
- Kapag ang official video entry ay nai-post at na-email na sa iamendoc@gmail.com, hindi na ito maaring baguhin pa.
- Sa buong buwan ng Hulyo 2022, ang video entries ay mananatili sa Facebook account ng kasali at hindi maaaring burahin.
- Ang mapipiling limang (5) video entries ay mananalo at ipapahayag sa July 31, 2022.
- Ang mga mananalo ay makatatanggap ng Gcash na nagkakahalagang Php 2,500.
- Ang mga mananalong video entries ay ipo-post sa PCEDM Facebook page (@filipinoendocrinologists).
- Ang mga miyembro ng Philippine College of Endocrinology, Diabetes, & Metabolism ay hindi maaaring sumali sa contest na ito.