LIPID METABOLISM: SEBO… DI MACHO – Makakatulong nga ba ang Virgin Coconut Oil sa Pagpapababa ng Ating Kolesterol?

LIPID METABOLISM: SEBO… DI MACHO – Makakatulong nga ba ang Virgin Coconut Oil sa Pagpapababa ng Ating Kolesterol?
Aimee Andag-Silva, MD, FPCp, FPSEM

Ang kasikatan ng “Virgin Coconut Oil” (VCO) ay laganap na sa buong mundo- bukod sa iba’t ibang brand na nasa loob ng maraming tindahan ay napakaraming website sa intemet ang tumatanggap ng mga mailorders para dito. Hanggang sa ngayon ay hindi malinaw kung ana talaga ang benepisyo nito sa mga tao na may mataas na blood sugar o kolesterol ngunit maraming pangako tayong maaririning sa mga nagtitinda nito.

Ano nga ba ang Virgin Coconut Oil? Ito ay langis na hinahango mula sa mga niyog sa pamamagitan ng natural na pamamaraan o sa pamamagitan ng makinarya o pag-init na hindi naglalagay ng mga kemikal na pampaputi o pampabango o kung anumang kemikal na maaariing makasira ng pagka puro nito. Ano naman ang pagkakaiba nito sa tradisyonal na langis na dati na nating ginagawa? Ang langis na mula sa pinatuyong laman ng niyog o “copra” ay dumadaan pa sa proseso ng pagpapaputi (bleaching) at pagpapabango (deodorizing) at iba pang paraan ng refining. Ito ang malaon nang ina-angkat sa atin ng ibang bansa upang gamiting sangkap ng mga sabon, pampadulas ng balat at buhok, at sangkap sa gamot para sa balat. Ang langis ng niyog ay hindi madaling masira sa pagbabago ng panahon o kahit sa pagsasa-ilalim nito sa matinding init.

Ngunit bakit ang langis na mula sa niyog ay ginagamit lamang sa industriya bilang sangkap ng mga pan-Iagay sa balat at buhok, at hindi bilang bahagi ng mga pagkain? Nakasasama ba ito sa kalusugan? Ang langis ng niyog ay isang uri ng saturated fats – ang uri ng taba na malakas ang kaugnayan sa pag kakaroon ng sakit sa puso. Tulad nang na-ilathala na sa nakaraang isyu kailangang di hihigit sa 7% ng ating calories sa araw-araw ang dapat makuha sa pag-kain ng SATURATED FATS- kasama ita sa mga rekomendasyon upang maka-iwas sa pagtaas ng kolesterol sa dugo at pagkakaroon ng baradong ugat sa puso ayon sa balangkas ng World Health Organization.

Gayun pa man, ay maraming panibagong pagsasaliksik ang nakatuklas na hindi lamang ang uri ng taba na saturated ang may masamang epekto sa kalusugan. Lumalabas na ang haba at dami ng fatty acids sa kabuuan ng isang uri ng langis ay may epekto rin sa katawan. Ang tinatawag na MEDIUM-CHAIN TRIGLYCERIDES ay mas madaling matunaw sa ating bituka kumpara sa long chain triglycerides at mahusay din ito magbigay ng enerhiya. Dito nagiging lamang ang langis ng niyog sapagka’t sa lahat ng langis na mula sa halaman, ito ang may pinaka maraming medium chain triglycerides.

Ang mga langis na hindi madaling masira tu/ad ng galing sa niyog at sa palmera ay hindi na kailangan ng hydrogenation kaya ito ay tinaguriang trans fats – free.

Ang isa pang lumabas sa mga pananaliksik ay ang kaugnayan sa sakit sa puso ng pag-kain ng TRANS FATS. Ito ay nagmumula sa langis na galing sa halaman tulad ng soy bean kapag ito ay pinasa ilalim sa proseso ng hydrogenation. Ang mga langis na hindi madaling masira tulad ng galing sa niyog at sa palmera ay hindi na kailangan ng hydrogenation kaya ito ay tinaguriang trans fats- free.

Dahil sa mga bagong pagsusuri sa mga uri ng langis na may kaugnayan sa sakit sa puso ay naqkakaroon na rin ng panibagong puwang sa industriya ng pag-kain ang langis ng niyog. Ngunit ang iba pang benepisyo nito sa larangan ng kalusugan- sa pagtunaw ng sebo sa ugat, sa asukal sa dugo, sa panlaban sa sakit o sa pagpapababa ng kolesterol ay hindi pa gaanong malinaw. Kaya’t hindi pa rin natin dapat isama ito sa mga rekomendasyon.

Wala na sigurong mas matutuwa pa kaysa sa mga Pinoy endocrinologists kung tunay na mapapatunayan na maganda sa metabolismo ng sebo at asukal sa dugo ng tao ang langis ng niyog- birhen man o hindi- sapagka’t laganap ita sa ating kapaligiran at bahagi ng ating kasarinlan.

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>