BUKANG BIBIG: Mga Katanungan ng Diabetic sa Isang Dentista

BUKANG BIBIG: Mga Katanungan ng Diabetic sa Isang Dentista
Questions from Diabetic Patients answered by Dentist Dr. Artemio R. Licos, Jr.

 

TANONG: Ano ang madalas na problema ng ngipin o bibig ng isang taong diabetic?
SAGOT: Ang taong may diabetes ay mahina sa paglaban sa mga mikrobyong nagdudulot ng impeksyon sa bibig. Ang kadalasang resulta nito ay pagkakaroon ng impekyon sa gilagid, na kung hindi maagapan at mabigyan ng lunas, ay nagdudulot ng pag-uga o galaw ng ngipin sanhi ng pagkasira ng parte ng ngipin na sumusuporta sa ugat nito. Ito ang nagiging sanhi ng pagkawala ng ngipin. Isa pang nakikitang problema ay ang pagkakaroon ng nanunuyong bibig na nakakatulong din sa paglala ng impeksyon sa gilagid. Ang paghina ng daloy ng laway sa bibig, sanhi ng matataas na blood sugar ay maaaring maging dahilan rin ng pagkasira ng ngipin, dahil sa di matanggal na plaque at bacteria na nakakapit sa ngipin.

TANONG: Gaano ba dapat kadalas ang check – up sa dentista kung ako ay diabetic?
SAGOT: Ang rekomendasyon namin bilang dentists ay regular na pagpapacheck ng di bababa sa dalawang beses kada taon. Ito ay depende sa personal hygiene at diet ng pasyente.

TANONG: Bakit bawal magpabunot ng ngipin kapag mataas ang blood sugar ng pasyente?
SAGOT: Hangga’t maaari, iniiwasan ang pagbubunot ng ngipin sa pasyenteng may mataas na blood sugar sa kadahilanang maari itong magdulot ng komplikasyon pagkatapos ng pagbunot ng ngipin tulad ng pagkaantala sa paggaling ng nabunutan, pagkaroon ng “dry socket” o impeksyon sa buto kung saan nabunutan. Kadalasan kapag mataas ang blood sugar ng isang pasyente at gustong magpabunot ay pinapayuhang sumangguni sa kanilang doktor para sa medical clearance o pahintulot medikal.

TANONG: May mga sintomas ba ang sakit sa gilagid o ngipin ng isang may diabetes?
SAGOT: Oo meron. Ito ay ang mga sumusunod: Una ay ang madalas na pananakit at pagdurugo ng gilagid kahit sa oras ng pagsisipilyo. Pangalawa, madalas na impeksyon sa gilagid na may kasamang nana o abcess. Pangatlo, pagkakaroon ng mabahong hininga dahil sa pagkakaroon ng impeksyon, sirang ngipin at paghina ng daloy ng laway sa bibig.

TANONG: Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon ng ngipin o gilagid sa pasyenteng may diabetes?
SAGOT: Ang regular na pagbisita at pagkonsulta sa dentista ay isang importanteng paraan upang makaiwas at mapigilan ang pagkaroon ng problema sa bibig na mauuwi sa komplikasyon kung ito ay napabayaan. Isa pa, ang pagsunod sa mga payo ng mga espesyalista ay kailangang sundin upang ang “treatment plan” sa paggamot sa problema sa bibig ng isang pasyente ay maging matagumpay.
______________________________
Si Dr. Artemio “Jhun” R. Licos, Jr. ay nagtapos ng Doctor of Dentistry sa University of Baguio at nagpatuloy sa pagaaral ng Master of Public Health at Doctor of Public Health sa Wako City, Japan.

Siya ay kasalukuyang nagsisilbing Department Head ng Dental Medicine ng Ilocos Training and Regional Medical Center sa La Union.

Siya ay nakapagtamo ng mga awards gaya ng Most Outstanding Public Health Dentist na ipinagkaloob ng Philippine Dental Association noong 2013 at ng National Gawad ng Pagkilala na ipinagkaloob ng Department of Health Central Office para sa kanyang public health service achievements at good job performance.
______________________________

 

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 4.8 / 5. Vote count: 4

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>