KAKAIBANG ALTAPRESYON – Secondary Hypertension: Unveiling the silence of the’ Silent Killer’
The Presure Cooker Lutuin Para sa May High Blood
Cecile Anonuevo-Cruz, MD, FPCp, DPSEM
Hindi maikakaila na ang pagkain ay bahagi ng kasiyahan ng mga Pilipino. Lalo pa itong napapasarap kung may kasalo, o sa karaniwang biro, “may kalaban”. Kung kaya’t mahirap tanggapin (kasama ng lunukin at tunawin pa) ang malimit na mga bilin ng inyong mga duktor:
“O, kailangan ninyo iwasan ang pagkain na mataba.” °di kaya’y:
“Bawal na ang maalat na sawsawan at timpla.” Lalo na kung ito ay:
“Bawas-bawasan ang kain para pumayat.”
Karaniwan namin naririnig, “Wala po akong bisyo kundi ang kumain.” Magkalinawan tayo: hindi bisyo ang pagkain, bagkus ito pa nga ay pangangailangan. At kahit ang taong maysakit katulad ng high blood, nangangailangan ng sapat na pagkain at sustansiya sa araw-araw para sa kanyang ikasisigla. Sa madaling salita, kung ikaw ay high blood, puwede pa ring kumain ng ayos at masarap!
Ang Sakit na High Blood
Ang ating blood pressure (presyon) ay ang puwersa ng dugo laban sa loob ng ating mga ugat. Ang presyon ay may dalawang numero: ang systolic pressure kapag tumibok ang puso, at ang diastolic pressure kapag nagpahinga ang puso sa pagitan ng pagtibok. Mahalaga ang dalawang numero na tumutukoy sa ating blood pressure. Ang presyon ay natural na nagbabago sa magdamag. Kung ito ay nananatiling rnataas, ita na ang tinatawag na hypertension, na karaniwang tawag sa atin ay high blood. Habang tumataas ang presyon, bumibigat ang trabaho ng puso at sa katagalan ay nahihirapan ito. Ang mataas na presyon ay nakakasira din sa ating mga ugat, kung kaya’t kasama sa naaapektuhan ay ang mga ugat sa puso, bato, utak at mata. Ang high blood ay kalimitang panghabang-buhay na sakit. Kung pababayaan at hindi maaagapan, ita ay maaaring magdulot ng sakit sa puso, sakit sa bato, stroke, at pagkabulag.
Ang Asin at ang High Blood
Ang sodium ay likas na matatagpuan sa karamihan ng mga isda, karne at gulay. Dagdag na pinanggagalingan nito ang karaniwang pangtimplang asin, patis, vetsin at bagoong. Karaniwang pinapayo na ang makatwirang dami ng sodium na maaring kainin sa isang araw ay sa pagitan ng 1500 mg hanggang 2300 mg, katumbas ng 5g ng asin. Ang sodium ay isa sa mga mahahalagang electrolytes na sangkap ng ating dugo. Isa sa mga gawain nito ay ang pagpapanatili ng balanse ng tubig sa ating dugo. Sa pagkain ng maaalat, nagkakaroon ng sunud-sunod na pagbabago sa puso at bato natin na nagdudulot ng pagdami ng naiipong tubig sa ating dugo at katawan, na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon. Ang pinakaloob na balot ng ating mga ugat ay maari ding mamaga, na magdudulot ng pagkipot ng daluyan ng dugo.
Kung araw at gabi, lingo-linggo at buwan-buwan ang pagkain ng maalat, ang mga pagbabago sa ating mga ugat ay mauuwi sa pirmihang kumplikasyon. Gayunman, may mga paraan para maiwasan ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagkain ng wasto. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang pagsunod sa planadong pagkain ng sodium at cholesterol ay higit na nakakatulong sa pagpapababa ng presyon sa mga taong high blood, at nakakaiwas sa pagkakaroon ng high blood sa mga taong posibleng magkaroon nito.
Ang Kontroladong Pagkain ng Asin
Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa Pilipinas at ang National Institutes of Health (NIH) sa Amerika ay may mga payak at praktikal na payo para sa pagkontrol ng alat sa pagkain. Pangunahin sa listahan ay ang pagpili ng mga pagkain na natural, na may kaunti o halos walang asin. Ipinapahayag nito na mas mainam ang sariwang prutas, gulay, karne at isda, kaysa sa mga processed o de latang pagkain tulad ng ham, bacon, tinapa, dilis at sardinas. Makakatulong ang pagtanggal ng asin, patis, bagoong, toyo at catsup sa lamesa, para maiwasan ang dagdag na asin na makukuha sa paggamit ng mga ito. Sa pagluluto, bawasan ang paggamit ng mga seasoning katulad ng toyo, patis, bagoong, bouillon cubes, meat tenderizer, Worcestershire sauce at steak sauce. Sa halip na dagdag alat, gamitin ang ibang pampalasa tulad ng mga fresh herbs, calamansi, suka at paminta. Kung nangangailangang gumamit ng de latang gulay, hugasan ang laman nito para mabawasan ang asin.
Sa pamimili, ugaliing magbasa ng mga nutrition facts at food labels na ngayo’y karaniwang kasama sa balot ng pagkain. Piliin ang pagkaing mas kakaunti ang sodium na nilalaman. Simulan ngayon ang pagbawas ng pabili ng mga sitsirya at processed food na mataas ang alat.
Patikim Naman ng Pagkaing Yan! Narito ang isang natatanging recipe na maaring subukan para matuklasan na maaaring masarap ang pagkaing angkop sa may high blood, kahit bawas alat! Ito ay halaw sa FNRI Menu Guide Calendar 2009. Para sa mga karagdagang recipe, bisitahin ang www.fnri.dost.gov.ph.
Molo Soup
Molo
½ cup Lean ground pork
1 tbsp Onion, chopped
1/4 cup Carrot, chopped
1 pc Egg, beaten
2 tsp Iodized salt
Dash Black pepper, ground
¼ cup Singkamas, chopped
¼ cup Water
2 tbsp Green onion, minced Molo wrapper
Soup
1 tbsp Garlic, minced
2 tbsp Cooking oil
2 tbsp Onion, chopped
1 tsp Iodized salt
½ tsp Black pepper, ground
6 cups Chicken stock or water
3 cups Native pechay, sliced
Malo
1. Combine pork, onion, carrot and singkamas.
2. Season egg with salt and pepper. Add to pork mixture.
3. Add green onions. Reserve ¼ cup of the mixture for sautéing.
4. Spoon 1 tsp of pork mixture into molo wrapper. Secure all sides.
Soup
1. Saute garlic, onion and the reserved ¼ cup of the pork mixture in oil.
2. Season with salt and pepper.
3. Add chicken stock or water.
4. When boiling, drop wrapped meat. Cover and simmer for 20 minutes.
5. Add pechay and green onion. Serve hot.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists