EBA AT ADAN – Ikaw at ang Polycystic Ovarian Syndrome

EBA AT ADAN – Ikaw at ang Polycystic Ovarian Syndrome
Mary Jane Gutierrez, MD, FPCp, DPSEM

Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang kalagayan dulot ng pagbabagong “hormonal” at tinatayang pinakamadalas na sanhi ng hindi pagkakaroon ng anak ng mga kababaihan na may edad na 15-45 taon. Ito ay unang natuklasan noong 1935 nila Drs. Stein and Leventhal at nakilala sa tawag na Stein-Leventhal Syndrome. Ayon sa pananaliksik, kinabibilangan ng mga pagbabagong “hormonal” na ita ay ang mga sumusunod: a) ang pagkakaroon ng “insulin resistance”, isang kondisyon na matatagpuan sa mga may diabetes; b) pagtaas ng “male hormone” o “androgen” buhat sa obaryo o “ovary “at “adrenals” ;c) pagtaas ng “Luteinizing Hormone” o “LH”. Dulot ng pagbabagong “hormonal” ay pagkaipon sa obaryo ng maliliit na bukol o “cysts” na naglalaman ng mga hindi ganap na itlog o “ovarian eggs” kung kayat hindi nagtutuloy ang “ovulation” na nagdudulot ng iregular na regia. Ayon sa Nurses’ Health Study, napagalaman na ang mga kababaihan na may iregular na regia ay may karagdagang posibilidad na magkaroon ng komplikasyon sa puso kahit sa edad na 20-35 taon.

Walang iisang dahilan ang pagkakaroon ng PCOS. Ito ay hinihinala nagbubuhat sa lahi o “genetics” at kapaligiran o “environmental factors”. Ayon sa pag – aaral, ang pagbabago sa “genes” na CYP11 ay karaniwan sa mga pcas at mahigit 50% ng mga kalahi nito ay magkakaroon din ng ganitong kondisyon. Dagdag pa rito, 20 – 50% sa mga ita ay magtutuloy magkaroon ng diabetes, kung kaya’t lahat ng may PCOS ay dapat pagawan ng “screening” sa diabetes sa edad na 30 taon. Madalas din sa mga pangangatawan ng may PCOS ay matataas ang timbang at malalaking baywang na maaaring nagbubuhat sa “environmental factors” tulad ng pagkain ng labis.

May mga karagdagang kondisyong nakikita sa mga may pcas at kabilang dito ay pagbabago sa kolesterol at presyon. Ang mabuting kolesterol (HDL) ay bumababa at tumataas naman ang ibang uri ng kolesterol (triglyceride). Mas mataas din ang presyon (high blood) ng mga ito. Ang pagkakaroon ng mataas na “blood sugar”, malaking pangangatawan, mataas na presyon, mataas ng kolesterol ay maaari rin makita sa isang kondisyon kinikilala na “syndrome X” o “metabolic syndrome”. Nagkakaroon din ng pagbabago sa “hemostatic factors” tulad ng pagtaas “tissue plasminogen activator”, na nagiging sanhi ng paglapot ng dugo. Ang lahat ng ita ay maaaring magpaliwanag kung bakit may karagdagang pagkakaroon ng komplikasyon sa puso at “stroke” ang may PCOS kumpara sa mga kababaihang walang nito.

Liban sa diabetes, malaking pangangatawan, mataas na presyon at kolesterol, may mga ulat din ng kanser sa matres o “endometrial cancer” ang mga may peas.

Liban sa diabetes, malaking pangangatawan, mataas na presyon at kolesterol, may mga ulat din ng kanser sa matres o “endometrial cancer” ang mga may PCOS.

Ang iba-ibang anyo o “phenotype” ng PCOS ang dahilan ng samu’t saring mga sintomas na mahirap agad matukoy. Maliban sa pagkakaroon ng iregular na regla at hindi pagkakaanak, kabilang sa mga sintomas at senyales ay ang pagtubo ng karagdagang buhok sa ibang lugar sa katawan lalo na sa mukha at binti, pagnipis ng buhok sa ulo, pagkakaroon ng tighiyawat o “acne” at pangingitim at pagkapal ng balat sa batok (acanthosis nigricans). Ang iba naman ay nakakaranas ng
sobrang kalungkutan dulot ng mga pagbabagong nabanggit.

Sa lupon ng eksperto na nagtipon ay naglahad ng basihan ng pcas, at kinabibilangan nito ay ang mga sumusunod: 1) iregular na regia at hindi pagkakaroon ng “ovulation”; 2) klinikal at “biochemical” na senyales ng pagtaas ng “androgen hormone”; 3) hindi kinabibilangan ng sakit tulad ng “adult-onset congenital hyperplasia o CAH”, “hyperprolactinemia“, “adrenal o ovarian androgen-producing adenomas”, “hyperthecosis”, and “Cushing’s syndrome”.

May mga epektibong pamamaraan ng paggagamot ng PCOS at mga kondisyong nakapaloob dito at kabilang dito ang tamang pagkain at ehersisyo (lifestyle change), pagpapapayat, gamot na nagpapababa ng kolesterol, presyon at “insulin resistance”, “nonandrogenic oral contraceptive pills” at “antiandrogen pills”.

Kung hihihinala ang ganitong kondisyon, agad makipag-ugnayan sa inyong duktor -Endocrinologist at OB GYNE specialist- upang magawa ang mga nararapat na pagsusuri sa kagalingan ng PCOS.

 

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>