Usapang Buntis – Para Sa Buntis na may Diabetes: Insulin o Tableta
Laura Trajano – Acampado, MD, FFCP, FPSEM
Dahil ang mga human insulin na ginagamit sa pangkasalukuyan ay naipakita na hindi dumadaan sa inunan (cross the placenta) o dumadaan lamang ng kaunti, insulin pa rin ang rekomendadong pamamaraan ng paggamot (treatment of choice) para sa mga pasyenteng buntis na may diabetes na hindi kontrolado ang asukal sa dugo.
Bagama’t may mga pag-aaral (research) na sinasagawa upang maibigay ang insulin sa ibang pamamaraan, ang insulin ay kalimitan pa ring binibigay sa pamamagitan ng iniksyon. Kaya lang, ang pag- iiniksyon pa rin ang pinakamatinding sagabal sa paggamit ng insulin (barrier to utilization). Isa ita sa dahilan kung bakit patuloy pa rin ang mga pag-aaral tungkol sa posibilidad ng paggamit ng mga tableta para sa mga buntis na may diabetes. Nakasisiguro ako na ita ang isa sa pinakamalimit na hiling ng mga pasyenteng buntis na may diabetes “Pwede po ba doc tableta na lang?”
Sa pagpili ng anumang gamot para sa mga buntis, kailangan na ang gamot ay ligtas (safe) at epektibo (effective) hindi lamang sa nagbubuntis kung hindi na rin sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Mas maganda rin na ang gamot ay hindi dumadaan sa inunan. Nguni’t hindi lahat ng gamot na dumadaan sa inunan ay masama sa pagbubuntis.
Sa pagkasalukuyan, may anim na klase ng tableta na maaring ibigay sa mga diabetiko. Ang tawag sa kanila ay oral antidiabetic agents o OADs. May iba’t iba silang mekanismo (mechanisms of action) para pababain ang asukal sa dugo.
Ang mga OADs ay: ang mga sulfonylureas tulad ng tolbutamide, chlorpropamide, glibenclamide (glyburide sa Amerika), glipizide, gliclazide at glimepiride; mga glinides tulad ng repaglinide at nateglinide; mga biguanides tulad ng metformin; mga alpha-glucosidase inhibitors tulad ng acarbose, voglibose at miglitol; mga thiazolidinediones o TZDs tulad ng rosiglitazone at pioglitazone at DPP-4 inhibitors tulad ng sitagliptin at vildagliptin.
Sa mga sulfonylureas, ang glyburide lamang ang napatunayan na may halos walang pagdaan sa inunan (minimal placental transfer). Mas malaki ang pagdaan ng glipizide at laic na ng chlorpropamide at tolbutamide sa inunan. May ebidensya mula sa isang randomized controlled trial or RCT at iba pang pag-aaral na ang glyburide ay mahusay na kaakibat ng dieta at ehersisyo kung kailangan ng karagdagang pamamaraan upang makamit ang nais na lebel ng asukal sa dugo.
Sa pangkasalukuyan, wala pang mga ebidensya hango sa mga pag-aaral na nagsasaad na maari ng ibigay ang mga meglitinides sa mga buntis.
Dahil ang metformin ay dumadaan sa inunan, importante na maghintay pa ng ebidensya hango sa mga pag-aaral na ita ay ligtas at epektibo bago ita irekomenda sa mga buntis. Ang Mig Trial o ang Metformin versus Insulin for the Treatment of Gestational Diabetes ay isang randomized open-label trial na katatapos lamang na sinalihan ng 751 mga babae na may gestational diabetes. Sila ay hinati sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay binigyan ng metformin na may dagdag na insulin kung kailangan at ang isang grupo ay binigyan ng insulin lamang. Ang naging resulta ng pag-aaral na ita ay: Sa mga buntis na may gestational diabetes, ang metformin (mag-isa o kasabay ng insulin kung kailangan) ay hindi nagdulot ng mas higit na komplikasyon sa pagbubuntis (perinatal complications) kompara sa insulin. Kung ang resulta ng Mig Trial ang pagbabasihan, ang metformin ay maaari sigurong gamitin sa pagbubuntis. Kailangan lang ng dagdag pang pag-aaral para malaman ang pangmatagalang kaligtasan (Iongterm safety) ng metformin sa pagbubuntis.
Pinapabagal ng mga alpha-glucosidase inhibitors ang pagpasok ng asukal sa gastrointestinal tract at pinapababa ang asukal sa dugo pagkakain (postprandial glucose o PPG). Ang mga side effects nila ay kabag at iba pang gastrointestinal side effects. Ang acarbose ay maari sigurong magamit sa pagbubuntis sa malapit na panahon kung ang mga naunang resulta ng isang ramdomized controlled trial ay makumpirma sa final report at ang mga gastrointestinal side effects ay hindi masyadong makaapekto sa mga pasyente.
Dahil may ebidensya na ang mga thiazolidinediones ay dumadaan sa inunan at dahil wala masyadong kaalaman tungkol sa paggamit ng mga ita sa pagbubuntis, hindi muna dapat gamitin ang mga ito hanggang magkaroon ng sapat na impormasyon.
Wala ring sapat na inpormasyon tungkol sa paggamit ng mga DPP-4 inhibitors sa pagbubuntis kaya hindi pa rin ita pwedeng irekomenda sa pagbubuntis.
Sa pagkasalukuyan, insulin pa rin ang paraan ng paggamot na rekomendado para sa mga buntis na may diabetes na nangangailangan ng dagdag na pamamaraan para maging normal ang asukal sa dugo. May pangako ang glyburide, metformin at acarbose na marekomenda na magamit sa pagbubuntis sa malapit na panahon. Kailangan lang nating hintayin ang mga karagdagang ebidensya na sila ay ligtas at epektibo sa pagbubuntis hindi lamang sa ina kung hindi sa sanggol din.
Magiging masayang balita para sa mga buntis na may diabetes kung mapapatunayan na ang mga tablet ay pwede ng gamitin sa pagbubuntis hindi lamang dahil wala ng iniksyon kung hindi mas magiging mura na rin ang gamutan (cost of treatment). Abangan nating lahat ang magandang balitang ito!
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists