Thyroid: Neck, Neck Mo – Ang tamad na thyroid: HYPOTHYROIDISM
Nemencio A. Nicodemus Jr., MD, FPCp, DPSEM
Gaya ng anumang karamdaman na may kinalaman sa mga hormones, ang ating thyroid gland ay maaaring maapektuhan sa dalawang paraan: maaaring sobra ang dami ng ginagawa nitong sangkap o thyroid hormones (hyperthyroidism) 0 kakaunti lamang (hypothyroidism). Sa isyung ito, ating bibigyang pansin ang hypothyroidism.kung tawagin ay “thyroid hormones.”
Ano ba ang Hypothyroidism?
Kapag ang thyroid gland ay nasira dahil sa epekto ng karamdaman, ito ay nagdudulot ng unti-unting pagkaubos ng mga thyroid hormones, na mas kilala sa tawag na T4 at T3. Ang kondisyon kung saan ang katawan ay nagkukulang sa T4 at T3 ay tinatawag na hypothyroidism. Maaaring ihalintulad ito sa thyroid gland na tamad.
Bakit nagkakaroon ng Hypothyroidism ang isang tao?
Maraming dahilan kung bakit nagiging hypothyroid ang isang tao. Sa mga bansa sa Asya, isa sa pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng iodine sa katawan na dulot naman ng kakulangan ng iodine sa pagkain. Dahil dito ay nagkakaroon ng goiter o bisyo ang isang tao. Ito ay tinatawag na iodine deficiency goiter.
Maraming tao din ang nagiging hypothyroid pagkatapos na sila ay maoperahan sa thyroid (thyroidectomy) o matapos na sila ay mapainom ng radioactive iodine (RAI). Maaari din unti-unting masira ang thyroid gland dulot ng mga panlaban na ginagawa ng katawan sa sarili nito (antibodies). Ito ay tinatawag na thyroiditis.
Mayroon ding mga gamot na maaaring pumigil sa paggawa ng thyroid gland ng sapat na dami ng T4 o T3. Kabilang dito ang Amiodarone, PTU, Methimazole at Lithium.
May mga karamdaman din na maaaring humantong sa hypothyroidism gaya ng tumor ng mga kulani ng thyroid (thyroid lymphoma) at tumor sa bahagi ng utak na kung tawagin ay pituitary at hypothalamus.
Ano-ano ang mga sintomas at senyales ng Hypothyroidism?
Ang pagkakaroon ng mga sintomas ng hypothyroidism ay may kaugnayan sa katagalan ng sakit at kung gaano ita kalala. Kabilang dito ang mga sumusunod:
• Pagtaba o pagbigat ng timbang nang hindi sinasadya
• Mabilis na pagkapagod o pagkahingal
• Paghirap sa pagdumi o pagtitibi
• Madaling nilalamig o giniginaw
Ang mga pagkain na makatutuiong upang mabilis na mapa-normal ang antas ng inyong thyroid hormones ay ang mga sagana sa iodine gaya ng mga isdang dagat at halamang dagat.
• Pagbagal ng pag-iisip o pagiging makakalimutin
• Pananakit ng laman-Iaman o muscles
Sa pagsusuri naman ng doktor ay maaaring makita ang mga sumusunod:
• Pagbagal ng tibok ng puso
• Panunuyo ng balat
• Magaspang o manipis na buhok
• Pagkakaroon ng goiter o bosyo
• Pamamanas ng mukha at paa
Paano malalaman kung ang isang tao ay may Hypothyroidism?
Ang isang tao na nagtataglay ng mga sintomas at senyales na binanggit sa itaas ay dapat magpasuri sa isang endocrinologist upang malaman kung ang mga ito nga ay posibleng dahil sa hypothyroidism. Ang pinakamahalagang paraan upang makasiguro kung hypothyroid ang isang tao ay ang pagsukat ng antas ng TSH (thyroid stimulating hormone) at T4 sa dugo. Dito ay makikita na mababa ang lebel ng T4 na galling sa thyroid gland samantalang mataas naman ang TSH na galing sa utak.
Paano ginagamot ang hypothyroidism?
Ang gamutan ng hypothyroidism ay simple lamang sapagkat iisang gamot lang ang kailangang ibigay – ang levothyroxine. Subalit dahil sa iba-iba ang dosis na kailangan ng bawat pasyente, dapat ay regular na bumalik sa endocrinologist upang malaman kung anong dosis ng gamot ang dapat inumin. Ginagamit na batayan sa pagbabago ng dosis ang mga nararamdaman ng pasyente at ang resulta ng TSH. Importante ang regular na pagbalik sa inyong doktor sapagkat mayroon ding hindi magandang epekto ang kulang o sobranq dosis ng levothyroxine.
Ang gamutan ng hypothyroidism ay habang buhay kung kaya hindi dapat magpawala ng levothyroxine araw-araw.
Ang mga pagkain na makatutulong upang mabilis na mapa-normal ang antas ng inyong thyroid hormones ay ang mga sagana sa iodine gaya ng mga isdang dagat at halamang dagat. Ang iodized salt ay mura at simpleng pinagmumulan din ng iodine sa pagkain.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa sakit na hypothyroidsism, magpakonsulta lamang sa inyong endocrinologist.
See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots
Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists