Usapang Buntis – Gestational Diabetes Mellitus (GDM)

Usapang Buntis – Gestational Diabetes Mellitus (GDM)
Laura Trajano-Acampado, MD, FPCp, FPSEM

Ako ay nagagalak na makasama kayo sa kaunaunahang pagkakataon sa column na ito sa H Mag na pinamagatang USAPANG BUNTIS. Ang column na ito ay hindi lamang para sa mga buntis. Ito ay para rin sa mga nagpaplano pa lang magbuntis at sa may mga mahal sa buhay na nagbubuntis o nagnanais na magbuntis.

Ang ating tatalakayin sa unang isyu ng column na ito ayang GESTATIONAL DIABETES o ang tinaguriang GDM.

Ano ba talaga ang GDM?
Ang GDM ay abnormal na pagtaas ng asukal sa dugo na unang napansin sa pagbubuntis. Hindi tayo makasisiguro na ang pagtaas ng asukal sa dugo ay nandoon na bago pa man magbuntis ang pasyente. Nguni’t dahil ang mataas na asukal sa dugo ay napansin noong ang pasyente ay buntis na, GDM ang itatawag sa kundisyon. Kalimitan nawawala ang abnormalidad sa asukal sa dugo pagkatapos manganak pero sa iba, nagpapatuloy ang kundisyon kahit nakapanganak na. Kaya importanteng masuri muli pagkatapos manganak.

Gaano ba kalimit makita ang GDM sa pagbubuntis?
Mga 7% ng pagbubuntis (1 to 14% depende sa populasyon na sinuri at test na ginamit) ang nagkakaroon ng kumplikasyon na GDM

Bakit kailingan masuri para sa GDM?
Dahil sa mga kumplikasyon na pwedeng maidulot ng GDM sa ina at sanggol, importanteng masuri ang mga nagbubuntis.

Paano sinusuri ang mga buntis para sa GDM (screening and diagnosis)?

Kailangang malaman sa unang bisita sa doktor ang probabilidad (risk) na magkaroon ng GDM ang isang babaeng nagbubuntis. Kung sila ay “very high risk”, dapat agad agad silanq masuri sa umpisa pa lang ng pagbubuntis.

Sino ba ang matuturing na “very high risk”?
Sila ay ang mga mayroong mga ganitong katangian:
1. Sobrang katabaan
2. Nagkaroon na ng GDM o nagluwal ng malaking sanggol
3. May PCOS o Polycystic Ovary Syndrome
4. Malakas na history sa pamilya ng Type 2 Diabetes Mellitus

Iyong may mga higit sa “Iow risk” ay sinusuri sa ika-24 hanggang ika-28 linggo ng pagbubuntis.

Sabi nila, ang mga “Iow risk” daw ay hindi na kailangang suriin para sa GDM. Sino ba ang mga ito?

Tama, ang mga “Iow risk” ay hindi na kailiangang suriin para sa GDM. Kaya lang para matawag na “Iow risk” kailangan LAHAT ng ito ay makita sa nagbubuntis:

1. Edad na < 25 taon
2. Normal na timbang bago magbuntis
3. Bahagi ng lahi (ethnic group) na may mababang probabilidad ng diabetes
4. Walang malapit (first-degree) na kamag-anak na may diabetes
5. Walang panahon na nagkaroon ng abnormal na asukal sa dugo
6. Walang abnormalidad sa nakaraang pagbubuntis

Anong pagsusuri ang kailangang gawin para malaman kung may GDM?
Mayroon tayong tinantawag na 50 g Glucose Challenge Test (GCT) na ginagamit nating “screening test”. Ito ay ginagamit sa mga pasyenteng hindi masyadong “high risk”. Kung ito ay abnormal, tutuloy naman tayo sa 100 g Oral Glucose Tolerance Test (OGTT) na tinatawag nating “diagnostic test”. Kung positibo ito, masasabi natin na ang pasyente ay may GDM.

Sa mga “high risk”, kalimitan ay dumideretso na tayo sa OGTT.

Paano inaalagan ang pasyenteng may GDM?
Tulad sa mga may Diabetes Mellitus Type1 at Type 2, importante and wastong pagkain, ehersisyo, at pagmonitor ng asukal sa dugo sa bahay. Kailangang maging normal ang asukal sa dugo para hindi magkaroon ng kumplikasyon sa ina at sangol. Kung hindi makontrol ang asukal sa dugo sa pamamagitan ng wastong pagkain at ehersisyo, kailangang bigyan ng insulin ang pasyente. Hindi pa kasi aprubado ang pag-inom ng mga tableta para sa diabetes sa pagbubuntis. Nguni’t maraming pagsasaliksik ang ginawa at ginagawa para san a magamit na rin ang mga tableta para sa diabetes sa mga susunod na panahon. San a ay dumating na ang panahon na ito.

Syempre dahil buntis, kailangang malimit magpatingin sa inyong Obstetrician at Endocrinologist para mabantayan ng husto ang kalusugan ng ina at sanggol.

Ano ba ang mga maaring maging kumplikasyon ng GDM sa sangol kung ang asukal sa dugo ng ina ay hindi kontrolado?
Ang pinakamalimit ay pagiging sobrang laki or macrosomia. Ang iba ay:

1. Hypoglycemia ( mababang asukal sa dugo)
2. Hypocalcemia ( mababang calcium)
3. Erythremia
4. Poor feeding (mahinang pagkain)

Pagkapanganak,angsangolnginang may GDM ay may mas mataas na probabilidad na maging mataba “obese” at magkaroon ng GDM o Type 2 Diabetes Mellitus pagtanda niya.

Ano naman and epektong ng GDM saina?
Mas malaki ang probalilidad na manganak ng maaga (preterm delivery) at magkaroon ng mataas na presyon at mga kumplikasyon nito ang nagbubuntis na may GDM. Dahil maaring lumaki masyado ang sanggol pag hindi kontrolado and asukal sa dugo, mas malaki rin ang probabilidad na manganak sa pamamagitan ng cesarian section na may mas maraming kumplikasyon kumpara sa normal na panganganak.

Pagkatapos manganak, malaki rin ang probablilidad na magkaroon ng Type 2 Diabetes Mellitus sa malapit na panahon ang nagkaroon ng GDM.

Kailangan bang magpasuri muli pagkatapos manganak kahit normal na ang asukal sa dugo?
Opo. Kailangang sumilalim sa isang 75 g OGTT and ina 6 hanggang 12 linggo matapos manganak para malaman kung talagang normal na ang auskal sa dugo o mayroon ng Type 2 Diabets Mellitus ang ina. Kahit normal and maging resulta, kailangan pa ring masuri ng regular ang inang nagkaroon ng GDM dahil malaki ang probablidad niyang magkaroon ng Type 2 Diabetes Mellitus sa malapit na panahon.

Sana ay nakatulong kami sa pagpapalawak ng inyong kaalaman tungkol sa Gestational Diabetes Mellitus. Hanggang sa susunod nating issue, maraming salamat po! guarantee. Offer ends 20th September 2009.

The price? £495 – including free shipping and VAT.
For more information, please visit www.duofertility.com

 

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 5 / 5. Vote count: 6

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>