Hirsutism – “Mabuhok”

“MABUHOK” Hirsutism
Claire Carampatana-Jandug, MD

Ang Hirsutism ay isang kondisyon sa isang babae ng pagkakaroon ng sobra, makapal at magaspang na buhok na maihahantulad sa anyo ng lalaki. Tinatalang 5-10% ng kababaihan ang apektado nito.

Ito ay kadalasang nakikita sa mukha, ibabaw ng labi, baba, dibdib, tiyan, likuran, braso at hita. Ang madalas na dahilan nito ay ang pagkakaroon ng labis na testosterone o male hormones (androgens).

Virilization ang tawag sa pagkakaroon ng iba pang mga palatandaang sanhi ng labis na testosterone o androgens sa loob ng mahabang panahon. Ang mga palatandaan na ito ay ang mga sumusunod:

  • Malaking klitoris
  • Pagiging maskulado
  • Taghiyawat o akne
  • Pagkakalbo
  • Malalim na boses
  • Panliliit ng suso
  • Iregular na mens
  • Mataas na libido

Ang pagkakaroon ng abnormal na anyo ng buhok ay maaaring sanhi ng sakit. Magpakita at magpakonsulta sa doktor kung may mga sintomas at senyales ng virilization.

Ang hirsutism ay maaaring sanhi ng:

  • Congenital adrenal hyperplasia. Ang kondisyon na ito ay namamana. Ito ay sanhi ng abnormal na paggawa ng steroid hormones (cortisol at androgen) ng adrenal glands.
  • Cushing syndrome. Nangyayari ang kondisyon na ito kung ang katawan ay na-expose ng matagal sa labis na cortisol. Ito ay nangyayari kung ang adrenal glands ay gumagawa ng labis na cortisol o maaari ding sanhi ang pangmatagalang pag-inom ng steroid (prednisone, dexamethasone).
  • Medications. Pwede ring gamot ang sanhi ng hirsutism. Ang ilan sa mga gamot na ito ay: minoxidil (Minoxidil, Rogaine); danazol, ginagamit sa paggamot ng endometriosis; testosterone; at dehydroepiandrostenedione (DHEA).
  • Polycystic ovarian syndrome (PCOS). Ang kondisyon na ito ay nagsisimula sa pagdadalaga. Ito ay sanhi ng hormonal imbalance. Kalaunan, ang PCOS ay maaaring magresulta sa hirsutism, iregular na mens, obesity, pagkabaog at kadalasan, multiple cysts sa ovaries.
  • Tumors. Maaari ding sanhi ang pagkakaroon ng tumor sa ovaries o adrenal glands na gumagawa ng labis na andogrens. Ito ay bihira lamang na nangyayari.

May mga sitwasyon din na walang makitang sanhi ang hirsutism.

Risk factors

Ilan sa mga posibleng dahilan na nagiimpluensya ng pagkakaroon ng hirsutism ay ang mga sumusunod:

  • Ancestry. Ang mga babae na angkan ng Mediteraneo, Gitnang Silangan at Timog Asya ay kadalasang nagkakaroon ng mas maraming buhok sa katawan.
  • Family history. Ang pagkakaroon ng congenital adrenal hyperplasia at polycystic ovarian syndrome ay namamana.

Mga Posibleng Komplikasyon ng Hirsutism Ang mga babaeng may hirsutism ay pwedeng maging mapag-alala sa sariling katawan na unti-unting nagiging depresyon. Ang pagkakaroon ng PCOS ay maaari ding magresulta sa pagkabaog.

Lunas at Gamot

Karamihan sa mga babaeng may hirsutism ay hindi malala ang kondisyon. May mga kondisyon na simpleng cosmetic procedures lamang ang kailangan. May iilan ding mga pasyente na nangangailangan ng seryosong atensyon, gaya ng ovarian hyperandrogenism. Ang mga posibleng lunas ay ang mga sumusunod:

Cosmetic Procedures. Ang pagaahit ay isang ligtas at cost-effective na pamamaraan. Ang ibang mga pasyente ay gumagamit ng plucking at waxing.

Hair Growth Attenuation. Ang eflornithine na unang ginawang panlunas para sa West African sleeping sickness ay maaaring gamitin bilang pamahid na gamot para sa pagpapabagal ng tubo ng buhok at pagpapanipis nito.

Folliculitic Therapies. Ang mga paraan para sa folliculitic therapies ay ang electrolysis, thermolysis, non-laser light therapy at laser therapy.

Antiandrogens. Ang spironolactone ay isang mabisang gamot para sa hirsutism. Maaari ding gamitin ang flutamide at finasteride.

Ovarian Suppression. May dalawang pamamaraan ng ovarian suppression— gonadotropin suppression na gumagamit ng kombinasyon ng estrogen at progestin, o long-acting GnRH agonist.

Specific Therapies. May mga gamot na partikular na ginagamit para sa congenital adrenal hyperplasia, insulin resistance at PCOS.

Ang pagpapababa ng timbang ay nakakatulong para mabawasan ang sintomas ng hirsutism kung ang sanhi ay PCOS.

Ang mga gamot na ginagamit para sa hirsutism ay bawal sa mga buntis dahil sa posibleng masamang epekto nito sa sanggol.

*Sumangguni sa inyong endocrinologist upang malaman ang pinaka-akmang paraan o gamot kung ikaw ay may hirsutism.

“MABUHOK” Hirsutism
Claire Carampatana-Jandug, MD

Part of the March 2020 Endocrine Hotspots Edition

See our other Endocrine Hotspots Edition

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)

Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>