Amenorrhea: Ano ito?

AMENORRHEA: Ano ito at ano ang dapat gawin kung meron nito?
Caprice Yang, MD

ANO ANG AMENORRHEA? Ito ay ang pagkawala ng buwanang regla ng isang babae na nasa kanyang reproductive years, o edad 15 hangang 49 (sa mga Pilipina). May mga natural/normal na sanhi ng amenorrhea tulad ng pagbubuntis at habang nagpapasuso ng sanggol (lactation).

May dalawang uri ng amenorrhea, ang primary at secondary. Primary amenorrhea ay hindi pagkakaroon ng regla simula sa edad 15; habang ang Secondary amenorrhea ay pagkawala ng regla 6 na buwan o higit pa, sa isang babaeng dati ng may buwanang regla.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor? Kapag ikaw ay edad 15 o pataas at hindi pa dinadatnan ng regla o kung hindi nagkaroon ng regla ng tatlong buwan o higit pa na sunod-sunod.

Ano ang iba pang mga sintomas? Maliban sa pagkawala ng buwanang regla, ang ibang sintomas ay depende sa sanhi at maaring kabilang ang mga sumusunod: mala-gatas na likido na lumulabas sa utong ng suso, paglagas ng buhok, sakit ng ulo, problema sa paningin o paglaki ng mata, bosyo o goiter, sobrang buhok sa mukha, taghiyawat o acne, at sakit ng puson.

Paano ma-diagnose? Ang diagnosis ng amenorrhea ay nagagawa sa history ng pagkawala ng buwanang regla. Ang iyong doktor ay gagawa ng mga pagsusuri at maaring kabilang ang mga sumusunod: pregnancy test, blood tests (tulad ng serum prolactin, thyroid function test, FSH, cortisol at androgen levels), ultrasound upang makita ang reproductive organs, MRI ng utak kung may suspetsa na may bukol sa hypothalamus or pituitary gland.

Ang Amenorrhea ba ay namamana? Karamihan ng sanhi ng amenorrhea ay hindi namamana. Ngunit may mga sanhi ng primary amenorrhea tulad ng abnormalidad sa hypothalamus/ pituitary o ovary na maaring nasa lahi.

Anu-ano ang mga sanhi ng Amenorrhea? Ang mga endocrine na sanhi ng amenorrhea ay kabilang ang mga sumusunod:

1. Polycystic ovarian syndrome – ang pasyenteng may ganitong karamdaman ay maaring madaming taghiyawat/acne, sobrang buhok sa mukha at ibang bahagi ng katawan na pangkaraniwan lamang sa lalaki, sobrang katabaan at problema sa blood sugar.

2. Thyroid malfunction (hyper o hypothyroid) – ang mga sumusunod ay maaring maramdaman ng taong may problema sa thyroid: paglalagas ng buhok, pagbabago ng
timbang (pagtaba o pagpayat), mabilis pagpawisan/lamigin, bosyo o goiter, paglaki/luwa ng mata, pagkabog ng dibdib.

3. Bukol sa pituitary gland – Prolactinoma ay isang uri ng bukol sa pituitary gland kung saan ang pasyente ay maaring magkaroon ng galactorrhea o mala-gatas na likido na lumalabas sa utong ng suso, panlalabo o pagdoble ng paningin, at pananakit ng ulo.

4. Premature menopause/ovarian failure – ang menopause ay pangkaraniwang nagaganap sa edad 50 pataas ngunit ang pagkakaroon ng sintomas ng menopause tulad ng hot flushes, vaginal dryness, mababang libido sa isang babaeng mas bata sa edad na 50 ay maaring may premature ovarian failure.

5. Hypothalamic cause – ang hypothalamus kasama ng pituitary gland, ay bahagi ng utak ng tao na nagkokontrol ng hormones ng katawan. Ang sobrang stress/exercise, mababang timbang (low body weight) at iba-ibang uri ng eating disorders tulad ng anorexia at bulimia ay maaring magsanhi ng amenorrhea.

6. Adrenal cause – ang adrenal glands ay matatagpuan sa ibabaw ng kidneys (bato); naglilikha ito ng iba’t ibang uri ng hormones tulad ng cortisol. Ang sobrang cortisol (Cushing’s syndrome) at abnormalidad sa produkyon ng hormones tulad ng nakikita sa CAH (Congenital adrenal hyperplasia) ay parehong maaaring magdulot ng amenorrhea.

Ano ang posibleng komplikasyon nito? Ang mga posibleng komplikasyon ng amenorrhea ay depende sa sanhi. Infertility o pagkabaog at osteoporosis o ang pagrupok ng buto na pwede maging sanhi ng fracture o bali ng buto ang ilan sa pwedeng komplikasyon ng amenorrhea.

*Ang artikulong ito ay tinalakay lamang ang mga endocrine na sanhi ng amenorrhea. May iba pang posibleng sanhi ng amenorrhea katulad ng: 1. side effect ng mga gamot tulad ng anti-psychotics/chemotherapy/contraceptives 2. mga abnormalidad sa istruktura ng sistemang reproduktibo ng babae

References:

www.mayoclinic.org

www.medscape.com

Philippine Statistics Authority

AMENORRHEA: Ano ito at ano ang dapat gawin kung meron nito?
Caprice Yang, MD

Part of the March 2020 Endocrine Hotspots Edition

See our other Endocrine Hotspots Edition

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)

Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 4.5 / 5. Vote count: 4

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>