7 sa Pitong Paraan, Mga Paa ay Alagaan

7 sa Pitong Paraan, Mga Paa ay Alagaan
Elaine Cunanan, MD

1. Suriin ang mga paa araw-araw.
I-check kung may paltos, sugat, pamumula o pamamaga. Kung hirap tingnan ang talampakan, gumamit ng salamin o patingnan sa iba. Isangguni agad sa doktor kung may problema.

2. Panatilihing malinis ang mga paa. Hugasan ang paa araw-araw.
Gumamit ng maligamgam na tubig. Huwag gumamit ng mainit na tubig. Patuyuin ang paa pagkahugas, lalo na sa pagitan ng mga daliri upang makaiwas sa alipunga.

3. Pahiran ng manipis na “moisturizer/ cream” ang mga paa.
Pahiran ng “moisturizer/cream” ang paa araw-araw upang mapanatiling malambot at makinis ang balat at hindi magka-crack o mangati. Huwag lagyan ng “moisturizer” o “cream” ang pagitan ng mga daliri.

4. Huwag maglakad ng walang sapin sa paa.
Kahit nasa loob ng bahay, laging magsuot ng tsinelas o sapatos upang maiwasang magkasugat.

5. Magsuot ng angkop at komportableng sapatos
Tingnan at siguraduhing walang matulis na bagay sa loob ng sapatos bago suotin. Magsuot ng malinis at tuyong medyas pag-magsasapatos.

6. Maingat na gupitin ang mga kuko.
Gupitin ang mga kuko ng tuwid at hindi pakurba. Gumamit ng nail file upang pumantay ang mga gilid. Huwag din masyadong maiksi ang paggupit upang maiwasan ang “ingrown”

7. Huwag piliting tanggalin ang kalyo. Isangguni ito sa doktor.

Hango sa… https://www.foothealthfacts.org (American College of Foot and Ankle Surgeons) http://www.diabetes.org/ (American Diabeteds Association)

 

See more Endocrine Hotspots Editions at endo-society.org.ph/endocrine-hotspots

Brought to you by the Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PCEDM)
Website: endo-society.org.ph
IG: @endocsociety
Twitter: @EndoSoc_ph
Facebook: fb.com/filipinoendocrinologists

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>