Pwede bang maiwasan magkaroon ng diabetes?

Tuwing November 14, ipinagdiriwang sa buong mundo ang World Diabetes Day o WDD. Ngayong taong 2022, ang tema ng WDD ay “Education to Protect Tomorrow.” Ibig sabihin, lahat ng taong may diabetes ay dapat na may access sa tamang edukasyon o impormasyon tungkol sa diabetes. 

 

Ang Diabetes Self-Management Education o DSME ay isang paraang upang bigyan ng tamang kaalaman at kakayanan ang isang taong may diabetes na maging responsible sa pagkontrol ng kanilang blood sugar. 

 

Nakita sa mga pag-aaral na ang DSME ay nakakatulong upang:

  1. Makontrol ang diabetes
  2. Mabawasan ang sobrang pagbaba ng blood sugar o hypoglycemia
  3. Mabawasan ang tyansa na ma-ospital
  4. Mabawasan ang tsanya na magkaroon ng komplikasyon
  5. Mapabuti ang quality of life
  6. Ma-improve ang lifestyle behavior

 

Kapag sinabing DSME, ito ang mga dapat na matutunan ng mga taong may diabetes:

  1. Kaalaman tungkol sa diabetes at paano ito ginagamot
  2. Healthy eating
  3. Pagiging physically active o pagkakaroon ng regular na ehersisyo
  4. Regular na pag-inom ng gamot
  5. Pag-check ng blood sugar kung kinakailangan
  6. Pag-cope sa stress, anxiety at depression na dulot ng pagkakaroon ng diabetes

 

Magtanong sa inyong mga doktor tungkol sa DSME. Laging tandaan na, sa tamang edukasyon at kaalaman tungkol sa diabetes, ito ay madaling makokontrol. 

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>