Pwede bang kumain ng maraming prutas ang taong may diabetes? 

Bagama’t ang mga prutas ay napapalooban ng mga bitamina, minerals at fiber, dapat ay mag hinay-hinay din sa pagkain ng maraming prutas ang taong may diabetes sapagkat ang mga prutas ay nagdudulot din ng pagtaas ng asukal sa dugo. 

Ang mga prutas ay naglalaman din ng carbohydrates, kaya mahalaga na maisama ito sa pagsukat sa dami ng carbohydrates na kinakain. Halimbawa, ang mga sumusunod na prutas ay naglalaman ng 10 grams na carbohydrates at 40 calories: kalahating saging na lakatan, isang hiwa ng watermelon, isang pisngi ng mangga, kalahating mansanas, at pitong lansones. 

Mainam din na piliin ang mga prutas na sagana sa Vitamin C tulad ng atis (1 piraso), dalanghita (2 piraso), guava (2 piraso), at papaya (1 hiwa). Ngunit, limitahan ang pagkain ng prutas sa dalawa hanggang tatlong serving kada araw. 

Ang mga taong may diabetes ay inaabisuhan din na kumain ng sariwang prutas at iwasan ang mga prutas na nasa lata na may kasamang matamis na syrup upang mapigilan ang pagtaas ng asukal sa dugo. Kung hindi maiiwasan ang pagkain ng prutas sa lata, piliin ang mga produkto na may nakalagay na “unsweetened” o “no sugar added” sa kanilang label. Mas nakakabuti rin para sa taong may diabetes ang pagkain ng sariwang prutas sa halip na uminom ng mga processed na fruit juices dahil halos walang fiber na makikita dito, kung ihahambing sa sariwang prutas. Iwasan din ang pag-inom ng mga fruit juice na may karagdagan pang asukal. 

Tamang pagpili at sukat ng pagkain ay susi upang mapanatili ang nararapat na lebel ng asukal sa dugo ng taong may diabetes. 

 

References:

  1. Food and Nutrition Research Institute Nutritional Handbook for Persons with Diabetes. (2008). 
  2. Toolkit No. 14: All About Carbohydrate Counting. (2009). American Diabetes Association. www.diabetes.org. 
  3. Gray A, Threlkeld RJ. Nutritional Recommendations for Individuals with Diabetes. [Updated 2019 Oct 13]. In: Feingold KR, Anawalt B, Boyce A, et al., editors. Endotext [Internet]. South Dartmouth (MA): MDText.com, Inc.; 2000-. Available from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279012/.

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 3.8 / 5. Vote count: 4

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>