Masakit ba ang magturok ng insulin?

Hindi. Ang pagtuturok ng insulin ay maaaring isagawa gamit ang insulin pen na may karayom o gamit ang hiringgilya. Maaaring maiwasan o mabawasan ang sakit na maaaring maramdaman sa tuwing nagtuturok ng insulin kung tama ang teknik ng pagtuturok. Heto ang mga ilang paraan upang mabawasan ang sakit sa pagtuturok:

  1. Huwag magturok sa iisang lugar lamang sa katawan. Mas maigi na iba-ibahin ang lugar kung saan magtuturok ng insulin.
  2. Gumamit ng bagong karayom o hiringgilya tuwing magtuturok.
  3. Ilabas mula sa refrigerator ang insulin na gagamitin ng mga ilang minuto bago ito iturok.
  4. Patuyuin nang mabuti ang pinahid na alcohol bago magturok ng insulin.

 

Kahit na nagtuturok ng insulin, maaari pa rin makagawa ng mga karaniwang gawain lalo na kung matuturuan ng wastong kaalaman sa sariling pangangalaga ng diabetes (diabetes self-management). Maaaring sumailalim ang mga may diabetes sa edukasyon na ito sa panahon na unang nalaman na sya ay may diabetes, kada isang taon, kapag hindi naaabot ang mga target ng gamutan at kapag may pagbabago sa pangangalaga.

 

Layunin ng diabetes self-management na suportahan ang pasyente na magkaroon ng sariling desisyon ukol sa kanyang sakit, pangalagaan ang kanyang sarili, at hanapan ng solusyon ang mga maaaring maging problema sa diabetes. Sa pamamagitan ng edukasyon ng sariling pag-aalaga, maaaring makamtan ang magandang estado ng kalusugan at kapakanan ng pasyente. 

Sila ay pinapayuhan na, kung maari, ituloy ang mga trabaho, at araw-araw na gawain, dahil ito ay importante sa pananatili ng kalidad ng buhay.

 

REFERENCES:

  1. Ludvigsson, J. et al. Experience of pain from insulin injections and needle-phobia in young patients with IDDM, Practical Diabetes International, June/July 1997 Vol 14 No. 4
  2. Lee, D. How Painful is Intensive Therapy, Z Gesamte Inn Med 1992 Jun;47(6):266-9.
  3. https://www.diabetescarecommunity.ca/diabetes-overview-articles/type-1-diabetes-definition/do-insulin-injections
  4. ADA 2022. Standards of Diabetes Care. 
  5. Dabrowski, M. et al, Association Between Insulin Therapy and Quality of Life in Diabetes, Journal of Pre-Clinical and Clinical Research, 2017, Vol 11, No 1, 10-14

How useful was this article?

Click on a star to rate it!

Average rating 1 / 5. Vote count: 1

No votes so far! Be the first to rate this article.

Since you enjoyed this article

Follow us on social media!

We are sorry that this article was not useful for you!

Let us improve this article!

Tell us how we can improve this article?

Loading

 

Gallery

What is PCEDM?

The PCEDM is a sub-specialty society of the Philippine College of Physicians, a founding member of the ASEAN Federation of Endocrine Societies, and a member of the International Society of Endocrinology.

Learn More >>