Ang Polycystic ovary syndrome o PCOS ang isa mga pinakamadalas na endocrine disorder sa mga babaeng nasa reproductive age. Ang eksatong dahilan ng PCOS ay unknown o hindi pa alam hanggang sa ngayon.
Ang mga senyales at sintomas ng pagkakaroon ng PCOS ay ang mga sumusunod:
- Hindi regular na menstruation – maaaring hindi buwan-buwan ang regla o kaya naman at sobrang haba at lakas kung mag-regla.
- Senyales at sintomas ng hyperandogenism o mataas na lebel ng testosterone – ang testosterone ay isa sa mga pangunahing hormone ng mg lalaki. Ang pagkakaroon ng sobrang facial at body hair o hirsutism, pagkapanot o male-pattern baldness, at madaming acne sa mukha at likod ay ilan lamang sa mga sensyales ng hyperandrogenism.
- Pagkakaroon ng polycystic ovary sa ultrasound – ito ang pagkakaroon ng madaming maliliit na cysts na maaaring magdulot ng hindi maayos na paggana ng mga ovaries.
Ang mga senyales at sintomas ng PCOS ay madalas na mas madami at malala sa mga taong labis ang timbang o obese. Kung mayroon ka ng mga nabanggit, nirerekomenda na magpatingin sa isang endocrinologist o sa isang OB-Gyne.
Ang paggagamot ng PCOS ay nakabase kung ano ang mga concerns ng isang babae. Maaaring ito ay ukol sa hindi regular na menstruation, labis na facial at body hair o hirsutism, labis na timbang, at infertility.
Ang mga sumusunod ang mga kadalasang nirerekomenda sa mga pasyenteng may PCOS.
- Pagbabawas ng timbang – kung ang isang pasyente ay labis ang timbang, weight loss ang pangunahing rekomendasyon. Ang pagbawas ng at least 5% sa timbang ay nakitang nagdudulot sa pag-ganda ng kundisyon. Diet at exercise ang cornerstone ng treatment.
- Mga gamot upang maging regular ang menstruation – ang pag-inom ng oral birth control pills na naglalaman ng estrogen at progestin ay maaaring makapagpababa ng lebel ng testosterone at mag-regulate ng lebel ng estrogen upang maging buwan-buwan ang menstruation at mabawasan ang mga sintomas ng hyperandrogenism tulad ng hirsutism, acne breakout at male-pattern baldness.
- Pag-inom ng metformin – ang metformin ay gamot sa diabetes na nagpapababa ng insulin resistance lalo na kung may problema sa pagkontrol ng sugar ang katawan.
- Pag-inom ng mga anti-androgen na gamot tulad ng spironolactone, flutamide, at cyproterone acetate. Ito ay para rin sa hirsutism, acne breakout at male-pattern baldness.